Sa kasalukuyan, ang mga lahing Black, Indigenous at People of Color ay nakakaramdam ng pagkawalay sa komunidad at pangangamba, at dahil sa mga pandaigdigang krisis tulad ng COVID-19, giyera at kapootang panlahi ay mas lalong nahihirapan sila sa pagkuha ng payo at suporta, at sumali sa mga umpok na nakabase sa siyentipikong ebidensya. Dahil dito, naghahanap ang mga magulang at mga tagabantay ng mga koneksyon at pampamilyang kaalaman galing sa onlayn o sa social media tulad ng Facebook o YouTube. Gayon pa man, karaniwan sa mga umiiral na impormasyon sa onlayn ukol sa pagpapalaki at pag-aaruga ng mga bata ay nasa wikang Ingles o nakasentro sa kulturang pang-Kanluran, at marami ay hindi nakabase sa siyentipikong ebidensya. Ang mga pangangailan ng mga pamilya galing sa mga hamak na komunidad ay natatangi at naiiba, at hindi natutugunan ng mga kasalukuyang mapagkukunan ng impormasyon.

Base sa pananaliksik ng mga eksperto, kapag nakukuha ng mga taong galing sa mga hamak na komunidad ang kanilang abisong medikal at pangkalusugan galing sa mga propesyonal na nakikidalamhati sa kanilang mga karanasan – tulad ng lahi at salita – mas may nabubuong tiwala at pagsunod ng natatanggap na pangkulusugang impormasyon, at pagpapatupad nito sa positibong gawain. Buhat nito, namalayan ng aming koponan ang mahalagang pangangailangan na makabuo ng mapagkukunan ng impormasyon na madaling maabot ng lipunan, kumakatawan sa pagkakakilanlan at angkop sa kultura para masuportahan ang mga magulang, tagapag-alaga at kanilang mga anak.

Noong 2021, naisagawa ng aming grupo ang Punjabi Kids Health, isang libreng mapagkukunan ng pampamilyang impormasyon na angkop sa kultura sa pamamagitan ng social media para matugunan ang pangangailangan ng Punjabi-Canadian na pangkat, at gamit sa pagtangka nito ang pamamaraan kung saan kasali ang paglahok ng komunidad. Dahil sa tagumpay ng proyektong ito, inilunsad namin ngayong 2022 ang 9 na karagdagang channel kasama ang Filipino Kids Health. Layunin namin na mas mapabuti ang pangkalahatang kalagayan ng Pilipinong lipunan sa pamamagitan ng pagbigay lakas sa mga magulang at tagpag-alaga, mapabuti ang kakayanan ng magulang at kanilang i-stress, lumikha ng madamaying birtual na pampamilyang suporta, at pagbigay ng impormasyon na angkop sa Pilipinong kultura at base sa siyentipikong pagsusuri kasama ang mga medikal na propesyonal para maibahagi sa kanilang mga pasyente.

 

Now more than ever, Black, Indigenous and People of Colour are experiencing isolation and distress and global crises like COVID-19, war and racism have exacerbated their access to evidence-based supports and networks. As a result, parents are seeking connection and parenting information online and through social media. However existing online parenting resources are primarily Eurocentric and in English, and many are not evidence-based. Families from marginalized communities have unique needs that are not met with existing resources. Research indicates that when individuals in marginalized communities receive health information from professionals who share their lived experience – including racial identity and language – there is greater trust, uptake and application of health information into positive health behaviours.

Given this our team knew that there was an urgent need to develop accessible, representative, culturally relevant parenting resources to support parents and their children. So in 2021, we created a free, culturally-congruent parent support resource delivered through social media and co-designed using community-based participatory methods called Punjabi Kids’ Health to address the needs of the Punjabi-Canadian community. Given the success of this channel, in 2022, we launched an additional 9 channels including Filipino Kids’ Health. We aim to improve overall wellness in the Filipino community by empowering parents, improving parenting competence and stress, creating supportive virtual parenting communities and sharing culturally-relevant, evidence-based parenting resources with healthcare providers to share with their patients.