Logo

Eileen Estrabillo, M.D.. FRCPC

Si Dr. Eileen Estrabillo ay isang Pediatrician o pambatang manggagamot sa Edmonton, Alberta, Canada. Ang kanyang pamilya ay galing sa Pampanga at lumaki siya sa Hamilton, Ontario kasama ang kanyang napakarami at napakalaking pamilya at mga kamag-anak. Natamo niya ang kanyang espesyalisasyon sa Pediatrics (pambatang medisina) sa University of Alberta noong 2014. Siya ay nagtatrabaho ngayon sa Stollery Children’s Hospital sa Edmonton, Alberta bilang isang general pediatrician (pambatang manggagamot), at naka-pokus ang kanyang trabaho sa kabataang may komplikadong kasong medikal at kalusugang pag-iisip. Siya ay nagtuturo din bilang isang klinikal na guro at tagapayo sa mga medikal na estudyante at nagsasanay na mga doktor sa pediatrics. Ninanais niya na maibahagi ang medikal na kaalaman mula sa paningin ng isang Pilipino, at nakikita niya itong malaking pagkakataon na ma-iugnay ang kanyang propesyonal na karanasan at ang kanyang kultura bilang isang Pinoy na doktor.

Mga Katulad na Post / Related Content

Kailan ba Dapat Matuto Magsalita ang aking Anak?

When Should my Child Start to Talk?

Pwede ba Painumin ng Gamot para sa Ubo at Sipon ang aking Anak?

Can I Use Cough or Cold Medicines in my Child?

Ano ang Awtismo?

What is Autism Spectrum Disorder?

Paano mo ba Tinuturuan ang iyong Anak na Batiin ang Iba?

How do you Teach your Children to Greet Others?