Logo

Elda Almario, R.P.

Si Ms. Elda Almario ay isang Rehistradong Psychotherapist o propesyonal para sa pangkalusugang pang-isip na naka-base sa Pickering, Ontario, at siya rin ang taga-pagtatag at klinikal na direktor ng Laro Therapy, isang pagsasanay sa Ontario, Canada na nakasentro sa pag-papatibay sa pagkaka-iba ng pag-iisip at sa pag-tanggap sa LGBTQIA+ na komunidad. Ito ay nakaesntro sa pangkalusugang pang-isip ng mga bata, tinedyer, at Pilipinong imigrante na nag-lalayon na mag-tatag ng lakas ng loob at paniniwala sa sarili. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Maynila, at lumipat sa Canada noong 2018 dala ang kanyang mahabang karanasan sa psychotherapy para sa mga bata, tinedyer at pamilya na nagkaroon ng mga problema sa asal, pagbabago sa buhay, adiksyon, at iba pa. Nakuha niya ang kanyang digri sa Psychology sa University of Santo Tomas, at ang pagkadalubhasa sa larangan ng Human Development Psychology sa De La Salle University. Natapos niya ang Bridge to Registration and Employment in Mental Health (BREM) at naging sertipikadong propesyonal dito sa Canada. Ikinagagalak niya na sumali sa Filipino Kids’ Health at layunin niya na itaguyod ang mga usaping pangkalusugang pang-isip sa mga komunidad ng mga Pilipinong imigrante para hindi nila gaanong maramdaman ang pagkawalay at mas madama nila ang pagkakaisa sa kanilang sarili at sa komunidad.

Mga Katulad na Post / Related Content

Ang bawat mahirap na sandali sa pagiging isang magulang ay nagiging mas madali pagkatapos ng limang malalim na hininga.

Every challenging parenting moment is easier after 5 deep breaths.

Paano ko Matutulungan ang Anak ko sa Pagsasalita?

How Do I Encourage My Child’s Speech Development?

Maligayang Buwan ng Pride!

Happy Pride Month!

Ikaw ang kauna-unahan at pinakapaboritong guro ng iyong anak.

You are your child’s first and favourite teacher.