Pandaigdigang Araw ng Pagkilala sa Tuberculosis
World Tuberculosis Day
April 28, 2023
April 10, 2023
Si Keara Manrique ay isang rehistradong nars sa Pediatric Medical Unit ng isang pambatang ospital sa Vancouver, British Columbia. Dito, inaalagaan niya ang mga batang may iba’t ibang klaseng sakit mula sa sanggol hanggang sa mga tinedyer, at nakakasalamuha niya ang mga pamilyang mula sa iba’t ibang kultura at pamumuhay. Nakuha niya ang kanyang digri sa BS Nursing mula sa UBC Okanagan at may sertipikasyon siya sa Breastfeeding Education mula sa Douglas College. Nagtatrabaho rin siya bilang isang Clinical Resource Nurse. Dumayo siya sa Canada sa edad na 4 mula sa Saudi Arabia, kung saan nagtrabaho ang kanyang mga magulang nang sampung taon. Sila ay mula sa Calapan, Oriental Mindoro at kinikilala niya ang kaniyang sarili bilang isang imigranteng Pilipino-Canadian. Ramdam niya ang pagiging isang unang-henerasyong imigrante at nais niya na matulungan ang mga imigranteng pamilya sa transisyon ng kanilang bagong buhay sa Canada sa pamamagitan ng Filipino Kids’ Health. Naniniwala siya na ang pagkamit ng tamang pangkalusugang impormasyon sa kinagisnang wika ay isang karapatan ng lahat, lalo na sa Canada, kung saan hatid ng gobyerno ang serbisyong pangkalusugan. Tinatanaw niya ang pagsali sa FKH bilang isang pasasalamat sa kaniyang mga magulang at sa lahat ng nagsasakripisyo para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
0 Like