Kadalasang Itinatanong
Frequently Asked Questions

Do you provide personal medical services? / Nagbibigay ba kayo ng personal na serbisyong medikal?

OKH is pleased to share general health information to support the wellbeing of your family. We are unable to provide direct medical advice and encourage you to speak with your healthcare provider or seek medical attention, as required.

Ikinalulugod namin magbigay ng pangkalahatang impormasyong pangkalusugan para masuportahan ang kapakanan ng inyong pamilya. Gayunpaman, hindi kami makakabigay ng direkto at indibidwal na abisong medikal. Hinihikayat namin kayo na makipag-usap sa inyong doktor o magpatingin sa pagamutan, kung kailangan.

 

Do you provide in-person medical services? / Nagbibigay ba kayo ng aktwal (in-person) na serbisyong medikal?

OKH is a social-media based health promotion program and does not facilitate in-person or virtual medical care.

Ang OKH ay isang onlayn na pangkalusugang programa na naka-base sa social media, at hindi kami nagbibigay ng aktwal o birtual na serbisyong medikal.

Do the providers get paid to film videos? / Binabayaran ba ang inyong mga doktor o medikal propesyonal sa pag-gawa ng kanilang mga bidyo?

The healthcare providers who contribute to our content design and delivery do not receive compensation from OKH.

Ang aming mga propesyonal na umaambag at tumutulong sa pagdisenyo at pag-lahad ng aming content at impormasyon ay mga boluntaryo at hindi nakakatanggap ng pabuya o bayad mula sa OKH.

Where are you based? / Saan ang lokasyon ng inyong himpilan?

OKH is based at St. Michael’s Hospital, Unity Health Toronto and welcomes contributors for the OKH channels from across the world.

Ang OKH ay naka-base sa St. Michael’s Hospital, Unity Health Toronto at pataimtim kami tumatanggap ng mga gustong maging kontribyutor sa aming OKH channels saan man sa mundo.

Where do you get your information? / Saan kayo kumukuha ng impormasyon?

We aim to share evidence-based health information that is reviewed by our expert review panel, in keeping with best practices and guidelines (as per professional bodies such as the Canadian Pediatrics Society).

Layunin namin ma-ibahagi sa inyo ang pangkulusugang impormasyon base sa siyentipikong pagsusuri na siniyasat ng aming mga eksperto, na naaayon sa nakabubuting gawaing medikal at patnubay (ayon sa mga propesyonal na kapisanan tulad ng Canadian Pediatric Society o Sosyedad ng mga Pambatang Manggagamot sa Canada)

How do you decide which content to create? / Paano ninyo pinipili kung ano ang tema o laman ng inyong content na ginagawa?

OKH is a community-led initiative, that focuses on the priorities, perspectives, values and needs of our online community. We welcome questions and comments to help guide our content. If you would like to submit a question please click <here>. The various OKH cultural-linguistic chapters are guided by recommendations and engagement with community members and agencies.

Ang OKH ay isang inisiyatiba na pinangungunahan ng komunidad, na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang prayoridad, paniniwala, pananaw, at pangangailangan ng aming onlayn na komunidad. Ikinalulugod naming tinatanggap ang inyong mga tanong at komentaryo para gabayan kami sa tema ng aming mga content. Kung nais ninyo mag-sumite ng tanong, maaaring mag-click <dito>. Ang mga iba’t ibang OKH pangkultura at pang-lingguwistikang sangay ay ginagabayan ng mga rekomendasyon at kooperasyon ng mga miyembro sa komunidad at ahensiya.

Is your team available for media interviews? / Tumatanggap ba ang OKH ng mga panayam sa media?

The OKH is pleased to help share information and advocate for topics related to child and youth health and well-being. Please contact us <here> with any media inquiries.

Ikinagagalak ng OKH team na makapagbigay ng impormasyon at itaguyod ang mga paksang may kaugnayan sa kalusugan at kapakanang pang-kabataan. Maaari kayo makipag-ugnayan sa amin <dito> para sa mga katanungang pang-media.

How can I contribute? / Paano ako makaka-ambag sa inyong programa?

OKH is a community-led program. We welcome your comments and questions to help guide our content. If you would like to make a donation to support the work of OKH, you are invited to donate <here>.

Ang OKH ay isang programa na pinangungunahan ng mga miyembro ng komunidad. Ikinagagalak naming tinatanggap ang inyong mga tanong at komentaryo para magabayan ang tema ng aming mga content. Kung nais ninyong magbigay ng donasyon para suportahan ang aming adbokasiya at gawain, inaanyayahan namin kayo maghandog <dito>.