Ang Aming Grupo / Our Team
Elda Almario, R.P.
Registered Psychotherapist / Eksperto sa Kalusugang Pangkaisipan
Elda Almario is a Registered Psychotherapist based in Pickering, Ontario, and is the founder and clinical director of Laro Therapy, an Ontario-based, neurodiversity & LGBTQIA+ affirming psychotherapy practice for children, youth, and Filipino immigrants seeking to develop a stronger sense of self. Born and raised in Manila, she moved to Canada in 2018, bringing with her years of experience in psychotherapy, having worked with children, youth, and families, who have dealt with behavioural concerns, life transitions, addiction, and mental health conditions. She obtained her Bachelor’s Degree in Psychology at University of Santo Tomas, Master’s-level education in Human Development Psychology at De La Salle University and completed the Bridge to Registration and Employment in Mental Health (BREM) bridging program in Canada. She is excited to join Filipino Kids’ Health in the hopes to inspire ongoing conversations in mental health within the Filipino diaspora for folks to feel less isolated and more connected within themselves and the community.
Elda Almario, R.P.
Registered Psychotherapist / Eksperto sa Kalusugang Pangkaisipan
Si Ms. Elda Almario ay isang Rehistradong Psychotherapist o propesyonal para sa pangkalusugang pang-isip na naka-base sa Pickering, Ontario, at siya rin ang taga-pagtatag at klinikal na direktor ng Laro Therapy, isang pagsasanay sa Ontario, Canada na nakasentro sa pag-papatibay sa pagkaka-iba ng pag-iisip at sa pag-tanggap sa LGBTQIA+ na komunidad. Ito ay nakaesntro sa pangkalusugang pang-isip ng mga bata, tinedyer, at Pilipinong imigrante na nag-lalayon na mag-tatag ng lakas ng loob at paniniwala sa sarili. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Maynila, at lumipat sa Canada noong 2018 dala ang kanyang mahabang karanasan sa psychotherapy para sa mga bata, tinedyer at pamilya na nagkaroon ng mga problema sa asal, pagbabago sa buhay, adiksyon, at iba pa. Nakuha niya ang kanyang digri sa Psychology sa University of Santo Tomas, at ang pagkadalubhasa sa larangan ng Human Development Psychology sa De La Salle University. Natapos niya ang Bridge to Registration and Employment in Mental Health (BREM) at naging sertipikadong propesyonal dito sa Canada. Ikinagagalak niya na sumali sa Filipino Kids’ Health at layunin niya na itaguyod ang mga usaping pangkalusugang pang-isip sa mga komunidad ng mga Pilipinong imigrante para hindi nila gaanong maramdaman ang pagkawalay at mas madama nila ang pagkakaisa sa kanilang sarili at sa komunidad.
Mae Santos, MSc, R. D.
Registered Dietitian / Eksperto sa Nutrisyon
Mae is a Registered Dietitian in Winnipeg, Manitoba and works with the Child Nutrition Council of Manitoba as a Community Dietitian and curates healthy school snacks and meals with students and staff. She proudly identifies as a first generation Filipino-Canadian immigrant, and was born in Quezon City and moved to Winnipeg at 11 years old. She has a Bachelor’s Degree in Human Nutritional, and completed her internship with the Manitoba Partnership Dietetic Education Program. She recently gained her Master’s Degree in Human Nutritional Sciences from the University of Manitoba, with her thesis on food allergy management in schools. She also works in clinical nutrition at St. Boniface Hospital and Health Sciences Centre, where she has extensive experience in tailoring meals to the specific needs of inpatients. She is also a nutrition communicator and a health influencer, where she highlights her Filipino heritage through her recipes and health content on social media. She is so excited to share her nutrition knowledge and expertise through Filipino Kids’ Health channel and help Filipino families have access to culturally sound, relevant, evidence-based nutrition information.
Mae Santos, MSc, R. D.
Registered Dietitian / Eksperto sa Nutrisyon
Si Mae ay isang Registered Dietitian sa Winnipeg, Manitoba at nagtatrabaho sa Child Nutrition Council ng Manitoba bilang nakatakdang dietitian ng komunidad, kung saan gumagawa siya ng mga masustansyang pagkain kasama ang mga estudyante at kawani ng eskwelahan. Ipinagmamalaki niya ang kaniyang pagiging isang unang-henerasyong imigrante. Ipinanganak siya sa Quezon City at lumipat sa Winnipeg sa edad na 11. Mayroon siyang digri sa Human Nutritional, at tinapos niya ang kaniyang pagsasanay sa Manitoba Partnership Dietetic Education Program. Kakakamit lamang niya ng kaniyang pagkadalubhasa sa Human Nutritional Sciences sa University of Manitoba, kung saan gumawa siya ng pagsusuri sa paksa ng alerhiya sa pagkain sa mga eskwelahan. Siya rin ay nagtatrabaho bilang isang klinikal na nutrisyunista sa St. Boniface Hispital and Health Sciences Centre, kung saan gumagawa siya ng partikular na diyeta ng mga pasyenteng naka-admit. Siya rin ay isang health influencer, at sinasama niya ang kaniyang pagka-Pilipino sa kaniyang mga resipe at kontent sa social media. Ikinagagalak niya na ibahagi ang kaniyang kaalaman sa nutrisyon at pagkadalubhasa rito sa Filipino Kids’ Health, at tulungang bigyang paraan ang mga pamilyang Pilipino na makamit ang mahahalagang impormasyon tungkol sa nutrisyon na nauukol sa kultura at nakabatay sa ebidensya.
Ma. Kristina Cassandra Angeles-Mendoza, M.D., C.A.
Family Medicine Resident / Residente ng Pampamilyang Medisina
Kristina or ‘Keicy’ is a licensed clinical assistant in Winnipeg, Manitoba under a Filipino family physician, serving the Filipino community in her area. She is from Bacoor, Cavite and gained her Doctor of Medicine degree in the Philippines. She gained her training in Pediatrics from Manila Doctors’ Hospital. She moved to Canada in 2020 and gained her Clinical Assistant registration in Manitoba in 2022. She is currently a resident of the University of Manitoba Family Medicine program. It has always been her advocacy to be of service to her fellow Filipino-Canadians and she aims to share awareness and information regarding health promotion and prevention through Filipino Kids’ Health.
Ma. Kristina Cassandra Angeles-Mendoza, M.D., C.A.
Family Medicine Resident / Residente ng Pampamilyang Medisina
Si Kristina o ‘Keicy’ ay isang rehistradong clinical assistant sa Winnipeg, Manitoba, na nagtatrabaho sa kilika ng isang Pilipinong doktor at nagsisilbi sa mga Pilipino sa kanyang lugar. Siya ay galing sa Bacoor, Cavite at nakamit ang kaniyang digri at lisensya sa Medisina sa Pilipinas. Nagpatuloy siya sa kaniyang pagsasanay sa larangan ng Pediatrics (Pambatang Kalusugan) sa Manila Doctor’s Hospital. Lumipat siya kasama ang kaniyang pamilya sa Canada noong 2020 at nakuha ang kaniyang lisensya sa paagiging Clinical Assistant sa Manitoba noong 2022. Ngayon, siya ay isang residente sa programang Pampamilyang Medisina ng University of Manitoba. Adbokasiya niya na makapagsilbi sa kaniyang mga kababayan dito sa Canada at layunin niya na maibahagi ang kamalayan sa pangkalusugang promosyon, impormasyon, at prebensyon sa pamamagitan ng Filipino Kids’ Health.
Keara Manrique, R.N.
Pediatric Nurse / Pambatang Nars
Keara Manrique is a registered nurse working in a pediatric hospital in Vancouver, British Columbia. She works in the Pediatric Medical Unit caring for patients with multiple illnesses ranging from days old up to those transitioning to adult-care and works together with various families from different cultures and lifestyles. She gained her Bachelor of Science in Nursing from UBC Okanagan and has a certification in Breastfeeding Education from Douglas College. She also works as a Clinical Resource Nurse. She came to Canada at the age of 4 from Saudi Arabia, where her parents worked for 10 years. Her family is from Calapan, Oriental Mindoro and identified as a Filipino-Canadian immigrant. She feels strongly about the first-generation immigrant experience and empathizes with families new to Canada and hopes her work with Filipino Kids’ Health can help with their huge transition. She believes that being able to have equal access to evidence-based health information in a language one can understand is a human right, especially in Canada where healthcare is government-funded. She also sees this as a way to show gratitude to her parents, and all those who sacrifice for their children’s futures.
Keara Manrique, R.N.
Pediatric Nurse / Pambatang Nars
Si Keara Manrique ay isang rehistradong nars sa Pediatric Medical Unit ng isang pambatang ospital sa Vancouver, British Columbia. Dito, inaalagaan niya ang mga batang may iba’t ibang klaseng sakit mula sa sanggol hanggang sa mga tinedyer, at nakakasalamuha niya ang mga pamilyang mula sa iba’t ibang kultura at pamumuhay. Nakuha niya ang kanyang digri sa BS Nursing mula sa UBC Okanagan at may sertipikasyon siya sa Breastfeeding Education mula sa Douglas College. Nagtatrabaho rin siya bilang isang Clinical Resource Nurse. Dumayo siya sa Canada sa edad na 4 mula sa Saudi Arabia, kung saan nagtrabaho ang kanyang mga magulang nang sampung taon. Sila ay mula sa Calapan, Oriental Mindoro at kinikilala niya ang kaniyang sarili bilang isang imigranteng Pilipino-Canadian. Ramdam niya ang pagiging isang unang-henerasyong imigrante at nais niya na matulungan ang mga imigranteng pamilya sa transisyon ng kanilang bagong buhay sa Canada sa pamamagitan ng Filipino Kids’ Health. Naniniwala siya na ang pagkamit ng tamang pangkalusugang impormasyon sa kinagisnang wika ay isang karapatan ng lahat, lalo na sa Canada, kung saan hatid ng gobyerno ang serbisyong pangkalusugan. Tinatanaw niya ang pagsali sa FKH bilang isang pasasalamat sa kaniyang mga magulang at sa lahat ng nagsasakripisyo para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Grace Valenzuela, D.D.S.
Dentist / Dentista
Dr. Grace Valenzuela is a licensed Dentist practicing in a family dental clinic in Thornhill, Ontario. She works with a large multi-cultural patient base, including Filipinos, and provides comprehensive, patient-centered care focusing on diagnosis, treatment, and prevention of dental issues. She was born in Manila, Philippines and moved to Canada in 2003. She completed her Bachelor in Science in University of Waterloo, Canada and earned her Doctor of Dental Surgery in University of Melbourne, Australia. She believes that oral health is a significant contributor to overall well-being, especially in children, and she is excited to help advance positive and engaging dental care practices for Filipino families.
Grace Valenzuela, D.D.S.
Dentist / Dentista
Si Dr. Grace Valenzuela ay isang lisensyadong dentista sa isang pampamilyang klinika sa Thornhill, Ontario. Karamihan sa kanyang mga pasyente ay mula sa iba’t ibang kultura, kasama na ang mga Pinoy. Nagbibigay siya ng komprehensibong serbisyong dental na nakatuon sa pangangailangan ng pasyente at nakapokus sa pagsusuri, gamutan at prebensyon sa mga problema ng pangkalusugang pang-ngipin. Siya ay ipinanganak sa Maynila at lumipat sa Canada noong 2003. Natapos niya ang kaniyang pangkolehiyo na digri sa University of Waterloo, Canada, at nakamit ang kaniyang pagkadalubhasa sa larangan ng dental na kalusugan (Doctor of Dental Surgery) sa Univeristy of Melbourne, Australia. Naniniwala siya na ang dental na pangkalusugan ay isang mahalagang aspeto sa kabuoang kalusugan ng tao, lalo na sa mga bata, at ikinagagalak niya na isulong ang positibo na gawaing pang-dental para sa mga pamilyang Pilipino.
Francis Lao, M.D.
Pediatric Resident / Residente ng Medisinang Pambata
Francis Lao is a pediatric resident in Hospital for Sick Children (SickKids) in Toronto, Ontario, Canada. He identifies as a second-generation Filipino-Canadian with his favourite food being Kare-Kare. He received his Bachelor of Health Sciences from McMaster University and later completed his medical degree at McMaster University School of Medicine. He currently works in SickKids under the University of Toronto Pediatrics residency program. He is hyped to be a part of Filipino Kids’ Health to make medical knowledge more accessible and to increase representation for Filipinos in medicine.
Francis Lao, M.D.
Pediatric Resident / Residente ng Medisinang Pambata
Si Dr. Francis ay isang residente sa pambatang kalusugan sa isang pambatang ospital (Hospital for Sick Children o SickKids) sa Toronto, Canada. Kinikilala niya ang kaniyang sarili bilang isang pangalawang henerasyon na imigranteng Filipino-Canadian at ang kaniyang paboritong potahe ay Kare-Kare. Nakamit niya ang kaniyang digri sa Health Sciences mula sa McMaster University at ang kaniyang digre sa medisina sa McMaster University School of Medicine. Ngayon siya ay nagtatrabaho bilang residente sa SickKids sa ilalim ng programa ng Univeristy of Toronto para sa pambatang kalusugan. Nasasabik siya na maging parte ng Filipino Kids’ Health para gawing mas nakakamit ang impormasyong pangkalusugan para sa mga Pilipino at para dagdagan ang representasyon ng mga Pilipino sa larangan ng medisina.
Justine Balsicas, M.D.
Research and Community Coordinator / Tagapagugnayan sa Komunidad at Pagsusuri
Justine Balsicas is a licensed general practitioner from Cebu, Philippines and is the research and community coordinator for the Filipino Kids’ Health Channel. She completed her Doctor of Medicine degree from Cebu Institute of Medicine and competed her post-graduate internship with the Department of Health in the Philippines. She is currently pursuing a career in health and clinical research. She has extensive experience in health-related community engagement with Filipino families in the Philippines, especially in the grass root communities, and in Canada. She is excited to create culturally relevant and relatable medical content for Filipino families and provide reliable general health information to all, especially those without access to quality health care.
Justine Balsicas, M.D.
Research and Community Coordinator / Tagapagugnayan sa Komunidad at Pagsusuri
Si Justine Balsicas ay isang pangkalahatang doktor mula sa Pilipinas at ang itinakdang research coordinator ng Filipino Kids Health Channel. Natamo niya ang kanyang antas bilang Doktor ng Medisina mula sa Cebu Institute of Medicine (Cebu, Philippines) noong 2017 at ngayon ay nagtatrabaho sa larangan ng klinikal na pagsusuri o clinical research. Ikinagagalak niya na gamitin ang kanyang karanasan bilang isang pangkalahatang doktor sa mga hamak na komunidad sa Pilipinas sa paggawa ng medikal na kontento na makabuluhan at angkop sa Pilipinong kultura, para sa pamilyang Pilipino mula sa mga Pilipinong pangkulusugan at pangedukasyon na mga propesyonal.
Ben Pangilinan, M.D.
Family Medicine Physician / Espesyalista sa Pampamilyang Medisina
Dr. Ben Pangilinan is a Family Medicine physician looking after a predominantly Filipino community in Ontario and has been in practice for the past 16 years. He is part of the Central Vaughan Family Health Organization with a clinic in Thornhill, Ontario where his practice population is heavily represented by people working in the healthcare industry. He gained his Doctor of Medicine degree from University of the East and completed his Family Medicine residency in Western University. With Filipino Kids’ Health, he looks forward to working with the next generation of Filipino Canadians to allow them to explore their ethnicity and celebrate their uniqueness.
Ben Pangilinan, M.D.
Family Medicine Physician / Espesyalista sa Pampamilyang Medisina
Si Dr. Ben Pangilinan ay isang Pampamilyang Doktor na nagsisilbi sa nakakaraming Pilipino sa Ontario sa higit na 16 na taon. Siya ay kabilang sa Central Vaughan Family Health Organization at may sariling klinika sa Thornhill, Ontario, kung saan ang kanyang mga pasyente ay karamihang nagtatrabaho sa industriya ng kalusugan. Nakamit niya ang kanyang digri sa Medisina sa University of the East noong 1991 at natapos ang kanyang pagsasanay sa Family Medicine (o Pampamilyang Medisina) sa Western University noong 2005. Kasama ang Filipino Kids’ Health, ikinagagalak niyang makipagtulungan sa susunod na henerasyon ng Filipino-Canadians para gabayan sila na saliksikin ang kanilang kultura at lahi, at ipagdiwang ang kanilang katangian.
Lia Abigail Siapno, M.D., FRCPC
Developmental Paediatrician / Eksperto sa Pambatang Debelopment
Dr. Siapno is a Developmental Pediatrician in Grandview Children’s Centre, a family-centered pediatric rehabilitation treatment centre in the Durham Region of Ontario. She specializes in the treatment of children and youth with physical, communication, and developmental needs. She was born and raised in the Philippines, and lived mostly in Manila and Pangasinan. She is a graduate of the University of East, and completed her Pediatric Residency training in University of the Philippines. She finished her Canadian Pediatric specialty training in McMaster University and gained her subspecialty training in Developmental Pediatrics in the University of Toronto. She is thrilled to be a part of Filipino Kids’ Health, and the chance to provide evidence-based medical knowledge focusing on pediatric development, behaviour, and mental health that is useful for Filipino children and families. She looks forward to celebrating our own cultural diversity while promoting health equity and individuality.
Lia Abigail Siapno, M.D., FRCPC
Developmental Paediatrician / Eksperto sa Pambatang Debelopment
Si Dr. Lia Abigail Siapno ay isang Developmental Pediatrician o debelopmental na pambatang manggagamot na nagsisilbi sa Rehiyon ng Durham sa Ontario, Canada. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, kadalasan sa Maynila at Pangasinan. Nakamit niya ang kanyang antas bilang Doktor ng Medisina galing sa University of East noong 2000 at natapos sa kanyang pagsasanay sa Pediatric Residency sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2005. Natapos sya ng kanyang espesyalisasyon ng Pediatrics sa Canada sa McMaster University noong 2014 at natamo ang kanyang pagkadalubhasa sa Developmental Pediatrics sa University of Toronto noong 2018. Ngayon, siya ay nagtatrabaho sa Grandview Children’s Centre, isang pambatang sentrong pang-rehabilitasyon na naka-sentro sa pamilya, kung saan siya ay gumagawa ng konsultasyon, pagtatasa at pagsusuri ng mga kabataan ng rehiyong Durham ng Ontario, na may espesyal na pangagailangan sa aspetong pisikal, komunikasyon at pag-debelop. Ikinigagalak niya na maging bahagi ng Filipino Kids Health, at makapagbigay ng medikal na kaalaman na nakabatay sa siyentipikong ebidensya na naka-pokus sa pagdebelop, kilos at kalusugang pangkaisipan ng kabataan na nakakatulong sa mga Pilipinong pamilya at bata, na ipinag-bubunyi ang kanilang kultura habang itinataguyod ang katarungang pangkalusugan at ang sariling katangian.
Eileen Estrabillo, M.D.. FRCPC
Paediatrician / Pambatang Doktor
Dr. Eileen Estrabillo is a Pediatrician in Stollery Children’s Hospital in Edmonton, Alberta. Her practice focuses on children and youth with complex medical and mental health challenges. Her family hails from Pampanga, Philippines and she grew up in Hamilton, Ontario surrounded by her large, extended family. She gained her Doctor of Medicine degree from the University of Toronto and completed her Pediatric residency training in University of Alberta. She is also a clinical teacher and mentor for medical students and pediatric residents. Through Filipino Kids’ Health, she looks forward to sharing medical knowledge through a Filipino lens, and sees this as a great opportunity to bridge her professional experiences to her cultural heritage as a Filipino doctor.
Eileen Estrabillo, M.D.. FRCPC
Paediatrician / Pambatang Doktor
Si Dr. Eileen Estrabillo ay isang Pediatrician o pambatang manggagamot sa Edmonton, Alberta, Canada. Ang kanyang pamilya ay galing sa Pampanga at lumaki siya sa Hamilton, Ontario kasama ang kanyang napakarami at napakalaking pamilya at mga kamag-anak. Natamo niya ang kanyang espesyalisasyon sa Pediatrics (pambatang medisina) sa University of Alberta noong 2014. Siya ay nagtatrabaho ngayon sa Stollery Children’s Hospital sa Edmonton, Alberta bilang isang general pediatrician (pambatang manggagamot), at naka-pokus ang kanyang trabaho sa kabataang may komplikadong kasong medikal at kalusugang pag-iisip. Siya ay nagtuturo din bilang isang klinikal na guro at tagapayo sa mga medikal na estudyante at nagsasanay na mga doktor sa pediatrics. Ninanais niya na maibahagi ang medikal na kaalaman mula sa paningin ng isang Pilipino, at nakikita niya itong malaking pagkakataon na ma-iugnay ang kanyang propesyonal na karanasan at ang kanyang kultura bilang isang Pinoy na doktor.